Wedding Tips

Tips

1. Relax lang sa wedding day

2. Trial Run kayo mag asawa before wedding day yung tipong ini-imagine nyo ung process ng wedding nyo.

3. humingi na ng conformation 2-3 days before ng wedding sa mga sponsors .. para hindi nag aantay sa wala.

4. Kung may budget ka naman kumuha ka ng COORDINATOR para di ka ma hassle sa special day nyo :) sanay yan sila sa kasal.

5. Kung gusto mo naman makatipid pero magandang wedding, look for experienced suppliers. Not necessary mababa singil sayo naka tipid ka na kasi for sure kung low budget service yan kulang kulang naman.

6. Join wedding groups sa Facebook

7. invest ka sa photos and videos yan kasi ung mga bagay na babalik balikan mo pag dating ng panahon.

8. Araw mo to KAYA WAG NA WAG KANG MAIINIS.

9. Gawin mong abay ang EX ng partner mo para ipakita mo na ikaw pinili nya hehe ( peace TIP #9 smile all the way )

10. Iiyak ka sa FF: 1. sa loob ng bridal car sa tapat ng simbahan. 2. pag sinalubong ka na ng parents guardian mo sa gitna ng simbahan. 3. sa tapat ng altar pag kukunin ka na ng husband mo sa parents mo :) its either naman dyan or iiyak ka kasi kulang kulang preparation hehe .. pero kaya mo to binabasa para hindi mag kulang kulang :)

11. After ng wedding mo may photo shoot ka kaya malelate ka ng kaunti sa reception..
so i contact mo na ang incharge dun para mag prepare ng PIKA PIKA kasi magugutom ang bisita.

12. sa picture wag mag madali kasi sayang ang pagkakataon at BAYAD!

13. Full charge and mag load ng phone

14. Sa invitation letter mo MAKE SURE yung way sa church at reception malinaw na naka sketch

15. maigi na may hiwalay ka na service kesa sa mga abay para di sila nag aantay during photo shoots or preparation mo.

16. ang mga abay naman dapat 30 minutes before wedding ceremony papuntahin na kasi mag aayos pa dun.

17. kung 3pm ang wedding mo ilagay sa invitation na 2pm kasi malelate karamihan dyan.

18. make up artist matagal to kaya make sure malaki ang time margin mo.

19. Mapapaihi ka kaya umihi ka bago ka mag suot ng gown mo.

20. ung taong sasama sayo all the way hanggang church you maid of honor mo.. wag kamo sya mag takong at gagabayan ka nya hindi gagabayan mo sya ahh..

21. sabihin sa parents hindi sila ang ikakasal kaya relax lang sila.

22. sa mga abay naman sabihin na relax din at magdala ng tissue baka mas umiyak pa sila kesa sainyo

23. "NEW" ang bawat kasal ay unique kaya don't compare your wedding sa iba :)


MORE TIPS TO COME
Support our page :)